High Five! ✋🏼

July! Summer holiday and my birth month. We’ve decided to visit my sister who happens to live in California for four-weeks! The whole family thinks we would find it hard to beat this holiday, let me show you why…

   
   
    
   
And who would forget that long haul drive to the breathtaking Grand Canyon? 


    
  

The friends that I’ve never seen for a long time… 

  

  

  

  
And the place where I hope to live one day, or even just buy a house… (I can dream, can’t I?) 😂 

    

  

 
🎥 Summing up our most recent (and most favourite) family holiday in this video. Enjoy! 😍

http://vimeo.com/138807197
❤️ We didn’t know we were making memories, all we knew was, we’re having fun.❤️

Oh! and by the way, it was my husband who made (and directed) the video. Well done B! 😘

One More Chance Pa More! 

First time ‘kong gumawa ng movie review, well, teaser review bale dahil teaser pa lang naman ang nakita ko, at malamang n’yo rin. Pero ito ang mga bumagabag sa’kin ng todo ng makita ko ang part 2 ng pelikula nila Popoy at Basha.

Ang wig ni Basha! 

Naman! 2015 na, karami-raming pera ng Star Cinema pero pagdating sa pagpili ng peluka nag artista, laging ang chaka! Isa pa bakit ba laging naka-wig si Basha? Panot ba ‘sya?


Ang mga Monoblock na Silya.

I’m not being judgemental ha, pero Engineer si Popoy, architect si Basha, ‘tas ang upuan nila sa Dining area plastik? Naman!

Pero ‘yun nga, the fact na ‘di sila makabayad ng kuryente eh malamang may pinagdadaanan sila, hence the Monoblock kaya sige iintindihin ko na lang sila.

“Hindi na’ko sigurado Bash. Hindi na’ko sigurado kung tamang nagkabalikan pa tayo”.

Ano ba kase pinag aawayan? Dahil ‘di nakabayad ng kuryente?! ‘Di ba nila nababalitaan ang online payment o bayad centre? Si Popoy naman talaga, oo!

 Si Erik Santos. 

Tahimik na tahimik tas biglang hihiyaw ‘tong si Erik ng “I’ll never goooo far away from you…” Namomroblema na nga ‘yung mag asawa, kanta pa rin ng kanta, kalma lang ok? Konting katahimikan lang please!


Mga 50 times ko siguro pinanood ‘ung unang pelikula at ok na nga ako ‘dun, ayos na’ko maski walang sequel. Kaya nung mapanood ko ang trailer, nagulat ako, maganda naman, kaya lang medyo mabigat. Pero wala eh, ganun talaga, maski sa buhay ‘ung akala mo tapos na, may karugtong pa pala.

——
 

“kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin”- Basha

Hi Paul! 

   
  

We picked fresh roses from our garden, went to church and said a little prayer. It’s been a year since Paul has left us, and we miss him dearly. He maybe gone, but he’ll never be forgotten. 

  
Rest well brother! 

Let the Summer Holiday Fun Begins!

With kids now getting bored at home, the husband and I decided to take the kids out for a day trip. We thought we can take Zoey, where the boys went nine years ago, yes! It’s been nine years. And with the weather on our side, it’ll be the perfect time to hit the road and go back to East Links Family Park!  

    
   

  

  

  

 

We cycled, took a train ride,played mini golf, jumped on the trampoline, and had a picnic for lunch.Zoey fed the animals, it was really good. Zoey was also able to name all the animals that she’s seen and copy the sound that each animals make, it was really cool! 
   
    
    
 

Yes, yet again the husband is no where to be seen, he’s just happy to take snaps of us while he stays behind the lens. 

Dear Charo

Ang tampok na kwento natin ngayon ay isang liham mula sa isang OFW.

Teka lang, ‘yung totoo 2015 na may sumusulat pa? ‘Di ba pwedeng e-mail na lang? Anyway, heto ang kanyang sulat…

Dear Charo,

Itago  mo na lang ako sa pangalang Mila, isa akong  OFW. Isang araw habang kausap ko ang tatay ko sa telepono,,, usual na kumustahan, anong oras na diyan, hanggang sa tanungin ko s’ya kung ano ang ulam nila?  “Sopas at Pritong Galunggong‘yan ang sagot niya. Nagsasalita pa yata ang tatay ko pero blah, blah, blah na lang ang naririnig ko dahil ang nasa isip ko na ngayon ay ang pritong galunggong ng Nanay ko.

Matagal ko ng gustong sabihin pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob, matagal ko na talaga itong kinikimkim at kailangan ko na talagang ilabas…  Miss na miss ko na ang pritong galunggong ng Nanay ko! 

Ibang klase kasi ang pritong galunggong ni Inay, ‘pag may natira sa pritong galunggong n’ya sa tanghali, pi-pirito n’ya pa ulit ‘yun kinagabihan, at ‘pag may natira pa rin, pi-pirito n’ya ulit ‘yun kina umagahan and so on and so fort. Tipong may pagka -immortal at tipong ‘di s’ya lulubay hanggat ‘di nabibigyan ng justice ‘yung galunggong na nabili n’ya. Minsan nga naaawa na’ko sa itsura nung isda, lasog-lasog na, hiwalay na ‘yung ulo sa katawan pero my mom was like, prito pa more like there’s no tomorrow! ‘Yung ibang galunggong nga halos umahon na sa kawali dahil ayaw na nilang mag pa prito ulit, pero anong say ni Inay? Wala! Yung pake n’ya sa galunggong naka-bakasyon! So wapakels!

Tapos ‘pag sinubo mo na, durog agad sa sobrang lutong, du’n mo mararamdaman ang lupit na sinapit ng galunggong  sa kamay ng Nanay ko!

Medyo homesick,

Mila

CHARO: Wala itong lesson. Wala ring hugot. Miss lang talaga ni Mila Ang pritong galunggong ng Nanay n’ya. 

Nawa’y  mahulaan n’yo ang episode title natin ngayong gabi. Nasa baba ang sagot. P1,000 peso load ang premyo, sayang rin ‘yan!



 
“Gigi”