Dear Charo

Ang tampok na kwento natin ngayon ay isang liham mula sa isang OFW.

Teka lang, ‘yung totoo 2015 na may sumusulat pa? ‘Di ba pwedeng e-mail na lang? Anyway, heto ang kanyang sulat…

Dear Charo,

Itago  mo na lang ako sa pangalang Mila, isa akong  OFW. Isang araw habang kausap ko ang tatay ko sa telepono,,, usual na kumustahan, anong oras na diyan, hanggang sa tanungin ko s’ya kung ano ang ulam nila?  “Sopas at Pritong Galunggong‘yan ang sagot niya. Nagsasalita pa yata ang tatay ko pero blah, blah, blah na lang ang naririnig ko dahil ang nasa isip ko na ngayon ay ang pritong galunggong ng Nanay ko.

Matagal ko ng gustong sabihin pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob, matagal ko na talaga itong kinikimkim at kailangan ko na talagang ilabas…  Miss na miss ko na ang pritong galunggong ng Nanay ko! 

Ibang klase kasi ang pritong galunggong ni Inay, ‘pag may natira sa pritong galunggong n’ya sa tanghali, pi-pirito n’ya pa ulit ‘yun kinagabihan, at ‘pag may natira pa rin, pi-pirito n’ya ulit ‘yun kina umagahan and so on and so fort. Tipong may pagka -immortal at tipong ‘di s’ya lulubay hanggat ‘di nabibigyan ng justice ‘yung galunggong na nabili n’ya. Minsan nga naaawa na’ko sa itsura nung isda, lasog-lasog na, hiwalay na ‘yung ulo sa katawan pero my mom was like, prito pa more like there’s no tomorrow! ‘Yung ibang galunggong nga halos umahon na sa kawali dahil ayaw na nilang mag pa prito ulit, pero anong say ni Inay? Wala! Yung pake n’ya sa galunggong naka-bakasyon! So wapakels!

Tapos ‘pag sinubo mo na, durog agad sa sobrang lutong, du’n mo mararamdaman ang lupit na sinapit ng galunggong  sa kamay ng Nanay ko!

Medyo homesick,

Mila

CHARO: Wala itong lesson. Wala ring hugot. Miss lang talaga ni Mila Ang pritong galunggong ng Nanay n’ya. 

Nawa’y  mahulaan n’yo ang episode title natin ngayong gabi. Nasa baba ang sagot. P1,000 peso load ang premyo, sayang rin ‘yan!



 
“Gigi”  

Advertisements