Ayon Sa Mga Bituin

4946830-fortune-teller-with-crystal-ball--vector-illustrationKalimutan ang water snake, fire dragon at plastic friend.

Tayo na’t salubungin at yakapin ng buong gigil nag inyong kapalaran, ayon sa mga bituin, or is it???

Aquarius: 2013 na, magbago ka na, ang isip mo parang kalamansi lang, maliit na, berde pa!

Pisces: Mabait ka naman, matalino, may itsura, pero bakit kaya single ka pa? Ah alam ko na, barat ka kase! Kung gusto mo ng lovelife, gumastos ka, investment ang tawag dun!

Ophiucus: Kasali ka pa rin? Sorry pero wala akong makita. Next!

Aries: Lucky year mo ang 2010, ay sayang tapos na!

Taurus: Mabuti pa ‘yung namumulot ng firecracker napuputukan, eh ikaw kaya, kailan?

Gemini: Bawas-bawasan mo ‘yang make up mo, mahihiya si Ronald Mc Donald ‘pag nakita ang itsura mo! Natural beauty for 2013!

Cancer: Maswerte ang 2013 s’yo, tuloy-tuloy ang pasok ng pera, teka ano nga ba trabaho mo? Ah tama, kahera ka pala!

Leo: Hindi porke’t ni-like n’ya ang status mo sa Facebook eg type ka na n’ya, bored lang ‘yun at walang magawa kaya ‘wag ka ng umasa.

Virgo: Suswertehin ka sa negosyo. Suggestion ko, magtayo ng coffee shop sa sosyal na lugar, pangalanan ng mahirap bigkasin na pangalan, at sabihin mo exotic o imported ang tinda mong kape (maski 3 in 1 lang ‘yan) at t’yak, dadagsain ka ng customer na may bitbit na DSLR.

Libra: Mag-ingat. May natatanaw akong magaganap na trahedya. Tatawid ka sa kalsada habang may paparating na truck, pero ‘di ka mahahagip dahil nasa kabilang lane ang nasabing truck. Kung ano yung trahedya, ewan ko, di ko talaga makita.

Scorpio: Matagal-tagal ka ng di nakakatikim, pero ‘wag kang mag-alala, magtatagal pa’yan. Consistency ang tawag d’yan.

Sagittarius: Sweet ka, galante, pero nagtataka ka kung bakit ayaw ka pa rin n’ya? Eh ganun talaga, may taste s’ya!

Capricorn: Araw-araw sa Facebook may reklamo ka, kundi naman galit ka. Ano ba problema? Suggestion ko, pa-tattoo ka sa leeg ng “tear here” kagaya nung mga nasa chichirya at ng matapos na ‘yang paghihirap mo.

Sa mga nais magpakonsulta ng personal, para sa appointment, please text KAPALARAN space KO 2331 for Globe subscribers and 231 for SMART subscribers. Paki samahan na rin ng P10.00 pasa-load para maka reply.
Early birds will get the chance to win -pampakalama, pampatigas, agimat, gayuma and other free items. See you there!

20130212-110512.jpg

*****

Who needs Astrology, the wise man gets by with a fortune cookie.

Advertisements