Dear Computer

20130122-132315.jpg

Mahal kong Computer,

Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan ‘pag nabasa mo ang liham ko. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita, mula kasi nung dumating si NetBook at si iPad madalang na kitang makita dahil kinanya ka na ni Kim para buuin ang mundo nya sa Minecraft.

Kaya naman gulat na gulat ako nung makita kita ulit nung isang linggo. Na pasigaw ako ng “Why???!!?” nung makita ko na wala na ang titik Y. Papano ko na isusulat ang mga salintang YELO, YESO, kung wala na ang letter Y? I guess I just have to use the word ICE & CHALK instead. Inisip ko rin na kinuha ng asawa ko ang mawawalang space bar dahil s’ya naman ang laging nagsasabi na kailangan nya ng “space”. Ngayon ko lang naintindihan na kaya pala ganito mag tweet si RB- thisismyfirsttweet. Saka yeahwe’regettingchinesefoodtonight eh sa malamang sa takot n’yang makuryente sa kaayawan nyang pindutin ang naka usling kable dahil nga nawala ang space bar.

Natatandaan ko rin nung i-non kita kasabay ng pag on ko sa rice cooker, naka saing na ako, actually naka kain na rin ako, ikaw loading ka pa rin. Mabagal ka pa ngayon sa pilay na pagong, sabi nga ni Kim, “Mom, it’s because the computer has so many virus”. Which I beg to disagree- dahil sa opinion ko, culture media ka ng virus.

Bukod dun, marami naman tayong masasayang ala-ala, nung mga panahong gamit na gamit kita sa Friendster, nung mga panahong gamit na gamit ka ni Mister nung nagre-review s’ya ng NCLEX, nung mga panahong tuwang-tuwa ang panganay kong anak habang nanonood ng Annoying Orange sa YouTube at mga panahong abalang-abala si Kim sa minecraft.

Kaya ngayong pasko, napag-desisyunan naming mag-asawa na ‘wag ng mag-regaluhan, sa halip, bumili na lang ng bagong computer, yung pag i-non namin ay mag o-on, at ‘yung pag ginagamit namin ay walang mag po-pop up na kung anu-ano. Yung ‘di inaabot ng isang linggo bago mag upload ng isang litrato.

All in all, masaya ako sa mahabang serbisyo mo, 5 or 6 years nga ba? ‘Di ko na maalala. Pero sabi nga, some good things never last, and sa relasyon natin, dumating na ang puntong ‘yun. So masakit man sa loob ko, kailangan ko ng magpaalam sa’yo. Ika nga, out with the old, in with the new. Salamat sa serbisyo, I’m sure makikita pa rin kita, hanggat adik na adik pa si Kim Sa minecraft.

Nagmamahal,
Bernadett

Ok na sana pero nagulat ako nung sumagot ang computer…

Dear Bernadett,

Ilang beses ka na ba tinama ng anak mo? Laptop ako laptop! Hanggang Sa huling pagkakataon Computer pa rin ang tawag mo sa’kin? Hay, kailan ka ba magtatanda?

Nagmamahal,
Computer este Laptop!

 

Dahil sumagot ka pa, eto nga pala ang ipinalit ko sa’yo…Jealous Much?!? lol

20130122-130846.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s