UNFRIEND

Bago pa mauso ang Social Networking, the word unfriend, doesn’t even exist. It is either you’re friends, or you drift apart and became acquaintances, but you never “unfriend” a friend.

Pero salamat sa Facebook, nauso ang salitang ito, sobrang uso na it was awarded Oxford’s word of the year in 2009.

Ang tanong ngayon, na-unfriend ka na ba? O nang-unfriend ka na ba? Ang sagot, sa malamang oo. Kaya eto, himayin natin ang dahilan sa tinatawag na pag-Unfriend.

1. The Who- Ito ‘ung tao na kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ng kaibigan mo. Kailangan mo ‘pang isa-isahin lahat ng album n’ya, saka mo pa Lang masasabi na… “ah tama, s’ya pala un!” -Unfriend!

2. Ang Negastar– Araw-araw, reklamo ang post n’ya, masyadong nega at nakakasira ng umaga. ‘Di ba pwedeng good vibes muna? Ano bang problema?

3. The Inappropriate Liker- Mga taong mas mabilis ang daliri kesa sa isip, ‘yung ang post mo ay merong may sakit o namatay, Like pa rin sila. Sarap kutusan!

4. Ang Pa-suspense– Eto ‘yung mga mahilig mambitin sa Facebook, yung magpo-post ng 🙂 o ng 😦 pero ‘pag tinanong mo kung bakit ‘di sasagot. Magpapa-pansin pero ‘pag pinansin mo magusu-suplada! Duh!

5. Meet the Seller- Eto ‘yung walang pakundangan kung i-tag ka sa binebenta n’yang bahay, lupa, kotse, alahas, puto, kalamay at kung anu-ano pa! Putek! Facebook nga ‘di ba? Kung gusto ko nang kalamay ‘di ako sa Facebook pupunta, sa palengke! Leche!

6. The Boob-shot – I mean c’mon, kinaibigan kita sa Facebook dahil mabait ka, pero kung araw-araw mo akong pakikitaan ng boobs mo, salamat na lang. At isa pa,Kuya, lalaki ka. Kailan pa naging achievement ang man-boobs?

7. The Loner- Post n’ya na. Like pa n’ya. Comment pa din n’ya. Edi ikaw na!

8. Ang Gamer- Eto yung invite ng invite na magtanim ka sa farm, magregalo ng energy, mangolekta ng diamond at kung anu-ano pa. Sige nga, Kung totoo ‘yang farm mo, asan ang bigas?! Pengeng bigas!!!

9. KSP- Ang may mai-post lang. Ang init; I’m inhaling; I’m exhaling -“Yan, ganyan kalimitan ang post n’ya, walang kasusta-sustansya! Halatang walang pinagkaka-abalahan. Kaya bago ko pa pahintuin ng tuluyan ang paghinga n’ya, at ipirmis ang edad n’ya. Unfriend na lang!

10. The Depressed- Eto ‘yung ka-Facebook mo na kung pagsasama-samahin mo ang status update n’ya eh mahihiya ang Maalaala mo Kaya sa lungkot ng buhay n’ya. Mula sa bagsak na grade, pagkabigo sa pag-ibig, at kung anu-ano pang post na nakaka-depress. Yung kulang na lang maglas-las ng pulso at i-upload ang litrato nya! Kaya bago ka pa mahawa sa kamalasan at ka-emohan n’ya, naku i-Unfriend mo na!

Sa katulad kong madalas sa telepono lang nag fe-Facebook, maliit Lang ang space, at hanggat maari sana “masustansyang” feed lang ang gusto kong makita. Kaya pasensha na kung na-unfriend kita. Pero ‘wag mag-alala, ubra ka namang rumesbak, and’yan naman yung tinatawag na BLOCK.

*****

 ♫ You’re just somebody that I used to know  ♫ ♫

Advertisements

EPAL

Dati, ang tanong pagbalik sa eskwelahan matapos ang maiksing bakasyon ay, “saan ka nag-undas?” Ngayon, ang mas akmang tanong ay, “kaninong mukha ng pulitiko ang nakita mo sa sementeryo?’

Namasyal ang kaibigan kong si Casper sa mga sementeryo at bukod sa nakumpiskang kutsilyo, alak at balisong na pilit at paulit-ulit na itinatangkang ipuslit taon-taon, ito ang nakita n’ya…

Huwattt??? Libreng wi-fi?!? Teka, gagana ba ‘yan? ‘Di ba dead spot ang sementeryo?

Sa sementeryo ng Tarlac, ito ang babati sa’yo, ano sa palagay n’yo ang pakay ni Kuya? Tinitingnan n’ya siguro kung keen observer kayo at kung mapapansin n’yo na wrong spelling ang “Haloween” sa tarp n’ya. At in fairness, ang costume ni Kuya, walang kaeffort-effort. Katakot!

Sa Quezon City, eto naman ang sasalubong sa’yo. Sinu-sino ang mga ‘yan? Aba! Malay ko sa’yo, baka mga nawawalang kaluluwa lang!

Eto, natawa ako sa bulung-bulungan ng mga tao ng makita ang tarp na ito. Anila… “Naku, ambata pa! Ano raw kinamatay? May singkwenta na ba ‘yan?” — Oo nga naman, may kandila, tapos picture ni kuya, ayan tuloy napagkamalang namayapa.

Sa mga uhaw na kaluluwa sa Laguna, ‘wag mag-alala, eto na ang bagong-igib na mineral water mula sa kanila. Dahan-dahan sa pagkain at pinapanalangin ng mag-asawa na mabilaukan ka para kailanganin mo ang tubig nila. Enjoy!

Natural kung may panulak, meron din dapat tinutulak, at ‘yan ay ipo-provide sa’yo ng Mayor ng Pandi. At para mas lalong ganahan sa pagkain, titigan ang kanyang larawan. Enjoy your meal!

Sa Paranaque, Undas 2012 compliments of EDZA daw sabi ng dating kongresistang si ED Zialcita. At ano ang sabi ng taong bayan sa larawang ito? Eto! “Zir, anliit naman ng piczure n’yo za ztreamer! Zayang ang zpaze, zana nilaki-lakihan n’yo pa para zure na maza-zight mazki ng patay za zementeryo. lolz

Ewan ko kung ano gustong palabasin ni Kuya. Gusto lang siguro n’yang ipaalam sa atin na may budget s’ya para sa malaking tarp, na kaya n’ya itong ipalagay sa mataas na lugar at wala tayong pakialam! (At ang picture, halukipkip kung halikipkip).

At eto, eto na yata ang sukdulan sa ka-epalan. Nagke-claim na alkalde sa Caloocan. Pero sige palalampasin na natin, pero yung naka-sulat na CEMENTERY? Cementery mo mukha mo!

*****

“Nipisan naman natin ang mga mukha natin”.

– Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.

Photo credit: Anti-Epal on Facebook. Like & Support.