Nang Sumagot sa Slam Book si Ex

Habang naglalakad ako kahapon sa may Glorieta, sa bayan, nakasalubong ang isa sa mga EX ko, ‘yung “pinaka-paborito” ko  at tamang-tama naman dala ko ang Slam Book ko, kaya pina-sagot ko s’ya, mabuti naman at pinaunlakan naman n’ya and it goes a little something like this…

ABOUT ME:

Name: Victor G. Serrano Naku! Erase, erase, baka may makakilala sa’kin dito hehehe

Nickname: Vic

Birthday: June 15, 19forgotten!

Umpisa pa lang secret na kaagad, ang arte! Nagpapataas ng presyo!: ‘Pag ‘di ka tumigil ‘di ko sasagutin ‘ung iba mong tanong

Age: Ikaw na mag-compute, mahina ako sa math eh, i-minus mo sa 2012

Adik ka! Wala ka namang binigay na taon, saan ko ima-minus!: Ay! ikaw lang talaga ang nakita kong slam book na sumasagot!

Zodiac Sign: Ano na kase ‘yun? Gemini hata, pero ‘di ko sure, maina ako sa oroscope eh!

Kanina sabi mo mahina ka sa math, ngayon mahina ka sa zodiac, saan ka ba ‘di mahina?: Ay! pakialamero na pala ang slam book ngayon, tutuloy pa ba natin o indi?

Sex: Male syempre at jan ako indi maina!

Describe Yourself: Simple pero rock! Anep noh! Para akong rockstar!

Rock star ka ‘jan, ewan ko sa’yo! Sabi nila ikaw raw si Boi Toblerone kasi daw tasulok ang ulo mo!: Ay, at talagang sumasagot na slam book ngayon!

FAVORITES atbp.

Actor: Syempre the one and only Leon Girero, Guerrerro,Gerero, naku! Lito Lapid na nga lang!

So bale mahina ka rin sa spelling: Bakit ano ba ‘to, test o slam book?

O sige ikaw na pilosopo!: Para ka kasing tanga! Konting pagkakamali, pinapansin, tao lang ako! tao! nagkakamali!

Color: Blue, kaya nga blue ballpen pinansagot ko, amuyin mo, magango ‘yan!

Motto: AjinoMOTTO!  hehehehe ‘yan ang lagi kong sagot sa mga slam book maski dati, grabe no, antagal na pala ng betsin!

Sleeping position: Fatal.

Tanga baka Fetal!: Eh ikaw pala bobo eh, parte ng bulaklak ‘yan eh!

Hobbies: Mag-radyo. Breaker. Breaker. Hehehe

NOW MOMENTS

I’m hoping: Na indi mabasa ito ng mga kamag-anak ko o maski sinong nakakakilala sa’kin, dyahe eh!

I’m praying: Na sana naman magka-asawa na ako, malapit na akong mag-kwarenta, ni girlfriend o matinong trabaho, wala ako!

Baka naman na-ka-karma ka lang dahil sa dami ng babaeng niloko mo!: No, I’m serious, I really want to settle down.

Naks! English ‘yun ah!: Hehe napansin mo pala, wala bang bonus points ‘pag sumagot ng English? hehehe

Bakit magka-kabonus, ano ba’to, test o slam book? : Hehehe funny ka! Linya ko ‘yan eh!

I’m thinking: Wala! indi ako nag-iisip! Hehehe!

I’m Eating: My pride! Dahil nabuking mo ang mga kahinaan ko hehehe

Actually, puro kahinaan mo lang naman ang nakita ko!: Ikaw naman, matatapos na tayo binabara mo pa ako!

DEDICATION:

      Dear Slam book,

    Salamt sa pagbibigay mo sa akin ng chance na makasulat dito, I feel so priveleage preevelage   happy.

    At dail sa bobrang saya ko, napapakanta ako… ♫♪♫Oh Jo kaluguran daka. Kaluguran sobra-sobra. Kasara da reng mata pantunan daka.Lawen daka angga king mate ku, Uling ika ing lulugud kaku…♫♪♫

Anggang sa Muli,

Vic 🙂

Hanep sa smiley ah, parang naka 5110 lang!: Ikaw naman, anggang sa uli tinitira mo ako!

Teka, napansin ko lang kanina ka pa eh, ‘di ka gumgamit ng H?: Tanga ka pala eh, ‘di ba nga kapampangan nga ako. D’yan ka na nga! Hingat!

Image

Hanggang ngayon, ‘di ko malubos maisip kung bakit ko pinatulan ang isang ‘to, kung umiinom lang sana ako ubra kong ikatuwiran na lasing ako, ang kaso mo hindi. Pero sige na lang, kung wala s’ya, sino kaya ang sinusulat ko ngayon? Malamang ikaw! 🙂

Advertisements