Magnum + Starbucks = Ngilo!

 

Image

Akala ko, hihimatayin ako nang makita ko ang litrato ng babaeng ito na kumakalat sa internet. Isang babaeng nakakain ng MAGNUM. (‘yung overrated at overpriced na ice cream na magbabago RAW ng estado mo sa buhay ‘pag nakain mo). Kaya kong tiisin ‘yung mga ibang litrato ng kumakain ng magnum, pero ‘yung pati resibo ng kinain mo, pipicturan mo iba na ‘yun. Dahil kung lahat ng bibilhin natin, picpicturan natin, bago natin gamitin o kainin, aba eh ganito kalalabasan nu’n…

ImageImage

Mukhang tanga ‘di ba? It only goes to show how gullible we are.  Dati naman, ice buko lang ang uso maligaya na tayo, ngayon uunahin pa nating bumili ng magnum na pagkamahal-mahal makasunod lang sa uso.

Next, Starbucks. Katakut-takot naman kasi talaga ang nagpapa-picture sa Starbucks. Ano ba ang meron?, para masabi na nakapag-kape ka sa mamahaling tindahang ito?  ‘Yung iba, ‘di pa nakuntento sa pagpa-pa-picture, ilalabas at ilalapag pa talaga ang mga gadgets nila sa mesa, iPhone, blackberry, laptop, susi ng kotse, psp, digicam, discman, walkman, tetris, lahat na basta pwedeng makadagdag-angas. Sa dami ng nilabas mong gamit brod, eh long table ang kailangan mo. Kaya siguro mahal ang kape sa tindahang ‘yan ay dahil ginagawa nating studio.

At kapag nakalabas na ang lahat ng gadget sa mesa, naka dikwatro na suot ang havaianas, ‘wag kalimutang mag peace-sign at simulan na ang kodakan. At itodo mo na sa pamamagitan ng paglalagay ng caption the Jejemon way, remember? ‘Yung mga taong gNi2 mgTyPeZ . Pero dahil sa pictorial, malamig na ang kape mo bago mo mainom, pero carry na lang dahil at least updated ang twitter at facebook status mo.

At oo, I have yet to perfect that peace-sign pose, para ‘pag nagawi ako ng starbucks o ‘pag kumain ako ng magnum eh handa na ako.

Advertisements

3 thoughts on “Magnum + Starbucks = Ngilo!

  1. Hello would you mind sharing which blog platform
    you’re working with? I’m going to start my own blog soon but I’m having a difficult time choosing between BlogEngine/Wordpress/B2evolution and Drupal.
    The reason I ask is because your layout seems different then
    most blogs and I’m looking for something unique.
    P.S Sorry for getting off-topic but I had to ask!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s