HOROSCOPE

Ang inyong kapalaran, ayon sa mga bituin.

AQUARIUS: Unang beses mong mape-perfect ang pagsasaing. Pero sayang, wala kayong ulam, magic sarap lang.

PISCES: Matutupad na ang pangarap mong makapaglakbay, ‘un nga lang, within the area mo lang.

ARIES: Lagi ka na lang galit, ang status update mo sa facebook puro reklamo. Pati aso ng kapitbahay n’yo, masama na ang tingin sa’yo, masyado kang nega, ano bang problema?

TAURUS: Huwag kang mainggit kung cute ang jowa n’ya, kung gusto mo rin, aba eh gumastos ka. Ang tanong ngayon, willing ka ba? Kuripot!

GEMINI: Tatama ka sa lotto. Pero magkakatotoo lang ang hulang ito kung ‘di mo babasahin.

CANCER: Ngayon mo makakamit ang inaasahang promosyon sa trabaho, pero ‘wag masyadong magsaya. Dahil kinabukasan babawiin din sa’yo, na wrong send lang pala ang boss mo.

LEO: May mga single na masaya, sila ‘yung tinatawag na single by choice. Kaso, in your case, wala kang choice. Ganun talaga. Hamo na mapera ka naman.

VIRGO: Kung birhen ka, malinis ka, kung ‘di na, masaya ka. Ngayon  mamili ka, maruming masaya o malinis na malungkot. Choice mo.

LIBRA: Talent mo ang pagsusulat, pero ‘di ka magtatagumpay kung sa pader ng C.R. ng SM ka patuloy na susulat. Pero i-try mong isulat ang celphone number mo, at wagas na pag-ibig ang matatagpuan mo.

SCORPIO: Magsikap para maging matalino at ‘di talinu-talinuhan, nahahalata na ng mga ka-opisina mo na copy & paste lang ginagamit mo sa english mo. Magpakatotoo.

OPHIUCHUS: Ang hirap mo nang ispelengin, gusto mo pa ng horoscope? ‘Wag ka na!

SAGITTARIUS: Ang holy week ay para magtika at ‘di magmantika. Akala ko ba nagda-diet ka?

CAPRICORN: ‘Di talaga ito ang horoscope mo, nagkapalit kayo ni Leo.

Tandaan, hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran, gabay lamang sila.

Mayroon tayong free will, gamitin natin ‘to.

Hope. It’s the only thing stronger than fear.

*****

Advertisements

MGA BAGAY TUNGKOL SA’KIN.

1. Panganay ako sa apat na magkakapatid- lahat babae.

2. ‘Di ako kumakain ng gulay- buto lang ng kamatis kung counted ‘yun.

3. ‘Di rin ako kumakain ng pusit, crab, lobster o maski ano pang laman dagat. Sa isda, tilapia at bangus lang, pero ‘pag sinabawan ‘yun ‘di na rin.

4. 19 years old ako nang maging RN.

5. Nagturo ako ng English 1 sa mga first year college- ‘yun ang pinaka-una kong trabaho.

6. Store Manager ako sa Chowking (Plaridel, Bulacan) ng mahabang panahon. Kaya maski tulog, alam ko ang pagkaka-iba ng siopao asado at bola-bola.

7. Wala akong kiliti.

8. ‘Di ako kumakanta sa Videoke- gagawin ko lang ‘yun kung nakataya buhay ko.

9. Dalawang beses na’kong kinakasal. Una nuong 1999, ikalawa nung 2011. At ayoko ng tumatlo pa- ‘paka gastos!

10. Mahilig akong maligo sa ulan dati, pero ‘di ako tumatapat sa alulod, natatakot ako sa dumi ng pusa na posibleng nasa bubong.

11. Unang sakay ko ng eroplano, UK na agad ang pinuntahan ko, uminom ako ng bonamine, kontra byahilo.

12. ‘Di rin ako umiinom, ng alcohol that is, ‘totoo maski kelan, alam ko minsan para akong lasing, but I’m proud to say that I’m alcohol free.

13. Ay, nag repack pala ako ng mais kina Mang Turo nuong elementary pa ako kasama mga pinsan ko. Bale ‘yun pala ang pinaka una kong trabaho slash child labor.