THE Ex FILES

Fill in the blanks ang tema natin ngayon. Kung kilala mo ako, malamang kilala mo ang mga mababanggit dito. Kwentuhan lang ito, walang personalan.

1. The Public School Boy
Simula ng Pangalan: A

Nakilala ko sa simbahan nung minsang isama ako ng Lola ko sa mangagmot, as in faith healer, hindi doctor. Nanduon s’ya at nagpapagamot daw. (may luslos daw s’ya! IKR, eww) Niligawan ako, kalaunan sinagot ko pero binawi ko din nung umiyak ang tatay ko nung minsang umakyat ito ng ligaw. Bata pa raw ako, sabi ni itay.

Anong Meron: Dating Estudyante ng MPHS, May bayong na bag (uso raw ‘yun dati, apparently), at nung magkita ulit kami nung college na ako at nung nilapitan n’ya ako, kumaripas ako ng takbo, at ‘di n’ya ko inabutan.

2. The Chubby Kid
Simula ng Pangalan: E

A year younger, cute daw (medyo may katabaan kase). ‘Di ako sure kung pasok ‘to sa Ex Files kase nagkita lang kami minsan, the rest sulatan na. Parang nasa Saudi lang no? Kaya mas pasok s’ya sa kategoryang Penpal.

Anong Meron: Mataba at may diastema. (Ano ‘yun? Google mo na lang).

3. Si Pers Lab
Simula ng Pangalan: M

Kilala n’yo na ito, dahil kinwento ko na s’ya ng buo sa nakaraang blog. Idadagdag ko na lang, na sa unang beses na pag akyat n’ya ng ligaw sa’min, may dumating na kubrador at tinanong kami kung tataya daw ba kame? Tumaya ako, 11-5 (anniv namin, naks!) at sa maniwala kayo’t hindi, tumama ako! Tanong n’yo man kay mang roger.

Anong Meron: ‘Di na kailangan. Alam na!

4. Ang Batang Riles
Simula ng Pangalan: K

Kaibigan ng Lola nya ang Lola ko, at ng tatay nya ang tatay ko, kaya nagulat ako ng ligawan ako nito. Medyo pasiklab ‘to, mahilig mag-regalo ng rose na naka-kahon, pina de-deliver pa sa loob ng classroom.

Anong Meron: Kung ‘yung isa sa taas may diastema, Ito namang isang ‘to, ang tenga parang kay Jolina.

5. Pinsan ni Best Friend
Simula ng Pangalan: M

Pinaka-paborito ko sa lahat ng ‘Ex-Men’ ko. Dating estudyante ng nasirang SAC (nasira, kase non-existent na). Akala ko talaga this is it na. Pero nag break kami, sa dahilang ‘di ko rin alam. Nalimutan ko na. He he. At mula nuon ‘di na kami nag-usap, ever! Pero, bilang konsolasyon,Facebook friends kami.

Anong Meron: Poging pinsan ni Bamba.

6. Mr.Lacoste
Simula ng Pangalan: S

‘Pag naiisip ko na binreak ko si M para dito naiiling ako. S’ya ‘yung tipo na naka-Lacoste araw-araw buong summer, at take note : ‘di nag-uulit ng damit. Sinagot ko ba s’ya dahil lang duon? Malamang, wala na akong maisip na iba.

Anong Meron: Looking at his pictures now, I can say that he really has let himself go.

7. Si Sabaw
Simula ng Pangalan: R

Varsity player. Nag-iisang player na nakakapag- dunk daw nuong araw. Pinaka-pursigido at matyaga sa lahat. Kaso laging teary-eyed kaya tinawag naming ‘sabaw’- para kasing may sabaw ang mata.

Anong Meron: Nagulat kami nung puntahan namin sa bahay ito, sabi n’ya: “maupo kayo”, ‘tas nagtinginan lang kami ng kaibigan ko dahil wala silang silya, sa’n kami uupo,sa lapag?

8. Mr. Toblerone
Simula ng Pangalan: V

Eto malupit sa lahat! Maraming nabola ‘to nuong araw at sa kasamaang palad, nakasama pa’ko. Palagay ko mahilig sa fish ball ‘tong isang ‘to, manunuhog ang loko eh.

Anong Meron: Kung taga Baliwag ka at alam mo ‘yung Sphinx na nakadapa sa harap ng simbahan dati, ‘yun kamukha n’ya ‘yun! Tatsulok ang ulo neto kaya nga Boy Toblerone eh!

9. Mr. _____________
Simula ng Pangalan: R

Kaisa-isang jowa na lumampas sa 4 months ang itinagal, actually, taon ang binilang ng relasyon namin nauwi pa nga sa kasalan, hanggang sa… CUE MUSIC:

♫ ♬ It must have been love but it’s over now
It must have been good but I lost it somehow
It must have been love but it’s over now
From the moment we touched till the time had run out…♩ ♪ ♫ ♬

Anong Meron: Ay, sorry naman, next time na lang, wala ng tinta makenilya ko. Next time na lang, ok?

Pero ‘lam mo ngayon, kung uubra lang, si Edward Cullen ang gusto kong maging boyfriend, pero atin-atin lang ‘yun ha, ‘wag mong ipagsabi. O pwede na ring si James Yap, mahilig naman ako sa may diastema.

Someday, someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with anyone else.

*****

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s