THE Ex FILES

Fill in the blanks ang tema natin ngayon. Kung kilala mo ako, malamang kilala mo ang mga mababanggit dito. Kwentuhan lang ito, walang personalan.

1. The Public School Boy
Simula ng Pangalan: A

Nakilala ko sa simbahan nung minsang isama ako ng Lola ko sa mangagmot, as in faith healer, hindi doctor. Nanduon s’ya at nagpapagamot daw. (may luslos daw s’ya! IKR, eww) Niligawan ako, kalaunan sinagot ko pero binawi ko din nung umiyak ang tatay ko nung minsang umakyat ito ng ligaw. Bata pa raw ako, sabi ni itay.

Anong Meron: Dating Estudyante ng MPHS, May bayong na bag (uso raw ‘yun dati, apparently), at nung magkita ulit kami nung college na ako at nung nilapitan n’ya ako, kumaripas ako ng takbo, at ‘di n’ya ko inabutan.

2. The Chubby Kid
Simula ng Pangalan: E

A year younger, cute daw (medyo may katabaan kase). ‘Di ako sure kung pasok ‘to sa Ex Files kase nagkita lang kami minsan, the rest sulatan na. Parang nasa Saudi lang no? Kaya mas pasok s’ya sa kategoryang Penpal.

Anong Meron: Mataba at may diastema. (Ano ‘yun? Google mo na lang).

3. Si Pers Lab
Simula ng Pangalan: M

Kilala n’yo na ito, dahil kinwento ko na s’ya ng buo sa nakaraang blog. Idadagdag ko na lang, na sa unang beses na pag akyat n’ya ng ligaw sa’min, may dumating na kubrador at tinanong kami kung tataya daw ba kame? Tumaya ako, 11-5 (anniv namin, naks!) at sa maniwala kayo’t hindi, tumama ako! Tanong n’yo man kay mang roger.

Anong Meron: ‘Di na kailangan. Alam na!

4. Ang Batang Riles
Simula ng Pangalan: K

Kaibigan ng Lola nya ang Lola ko, at ng tatay nya ang tatay ko, kaya nagulat ako ng ligawan ako nito. Medyo pasiklab ‘to, mahilig mag-regalo ng rose na naka-kahon, pina de-deliver pa sa loob ng classroom.

Anong Meron: Kung ‘yung isa sa taas may diastema, Ito namang isang ‘to, ang tenga parang kay Jolina.

5. Pinsan ni Best Friend
Simula ng Pangalan: M

Pinaka-paborito ko sa lahat ng ‘Ex-Men’ ko. Dating estudyante ng nasirang SAC (nasira, kase non-existent na). Akala ko talaga this is it na. Pero nag break kami, sa dahilang ‘di ko rin alam. Nalimutan ko na. He he. At mula nuon ‘di na kami nag-usap, ever! Pero, bilang konsolasyon,Facebook friends kami.

Anong Meron: Poging pinsan ni Bamba.

6. Mr.Lacoste
Simula ng Pangalan: S

‘Pag naiisip ko na binreak ko si M para dito naiiling ako. S’ya ‘yung tipo na naka-Lacoste araw-araw buong summer, at take note : ‘di nag-uulit ng damit. Sinagot ko ba s’ya dahil lang duon? Malamang, wala na akong maisip na iba.

Anong Meron: Looking at his pictures now, I can say that he really has let himself go.

7. Si Sabaw
Simula ng Pangalan: R

Varsity player. Nag-iisang player na nakakapag- dunk daw nuong araw. Pinaka-pursigido at matyaga sa lahat. Kaso laging teary-eyed kaya tinawag naming ‘sabaw’- para kasing may sabaw ang mata.

Anong Meron: Nagulat kami nung puntahan namin sa bahay ito, sabi n’ya: “maupo kayo”, ‘tas nagtinginan lang kami ng kaibigan ko dahil wala silang silya, sa’n kami uupo,sa lapag?

8. Mr. Toblerone
Simula ng Pangalan: V

Eto malupit sa lahat! Maraming nabola ‘to nuong araw at sa kasamaang palad, nakasama pa’ko. Palagay ko mahilig sa fish ball ‘tong isang ‘to, manunuhog ang loko eh.

Anong Meron: Kung taga Baliwag ka at alam mo ‘yung Sphinx na nakadapa sa harap ng simbahan dati, ‘yun kamukha n’ya ‘yun! Tatsulok ang ulo neto kaya nga Boy Toblerone eh!

9. Mr. _____________
Simula ng Pangalan: R

Kaisa-isang jowa na lumampas sa 4 months ang itinagal, actually, taon ang binilang ng relasyon namin nauwi pa nga sa kasalan, hanggang sa… CUE MUSIC:

♫ ♬ It must have been love but it’s over now
It must have been good but I lost it somehow
It must have been love but it’s over now
From the moment we touched till the time had run out…♩ ♪ ♫ ♬

Anong Meron: Ay, sorry naman, next time na lang, wala ng tinta makenilya ko. Next time na lang, ok?

Pero ‘lam mo ngayon, kung uubra lang, si Edward Cullen ang gusto kong maging boyfriend, pero atin-atin lang ‘yun ha, ‘wag mong ipagsabi. O pwede na ring si James Yap, mahilig naman ako sa may diastema.

Someday, someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with anyone else.

*****

Advertisements

BAGO PA ANG MAHIWAGANG SALAMIN

Bago pa mauso ang mahiwagang salamin ni Tito Boy, nauna at pinaka usong paraan ng pambubuking nuong araw ang SLAM BOOK.

Sino nga ba sa atin ang ‘di nakapag sagot sa SLAM BOOK? (kung loner ka, eh ‘di ikaw na! )

Kaya ngayon balikan ang paboritong libangan bukod sa F.L.A.M.E.S. Isama na rin natin ang pangkarinawang sagot sa mga ahmm, karaniwang tanong. Gamit ang mabangong ballpen, at pastel color na papel, balikan natin at tayo’y magsagot sa SLAM BOOK…

ABOUT ME

Name: Bernadett V. Cruz

Nickname(s): Det for short, Badet for long & Kamatis for kamag-anaks.

Birthday: July 16, 1977

Address: NPA (No Permanent Adress)

Sex: Huh?!? (Nag-blush pa, male o female lang ‘di pa masagot)

Course: Of Course! (Shempre nga elementary pa kaya wala pang course)

FAVORITES

Color: Blue (kung lalaki ka), Pink (kung babae ka) Rainbow colors kung pa-sweet ka! (lupet, anu-ano na nga ba kulay ng rainbow)

Song: Greatest Love of All (Whitney Houston ang peg)

Band: Too many to mention (‘pag ‘di sure sa tanong, ito ang karaniwang sagot)

Food: Shempre gulay! (joke hehe)

Hobbies: P.E.D.R.O.S. (playing, eating, dancing, reading, outing, singing)

Book: FHM (book nga eh, magazine yan…tanga lang?)

Films: Kodak at Agfa (kung tanga ka). Something English na pelikula (kung pa-sosyal ka). Tuklaw (kung maka-Richard Gomez ka)

TV Series: Valiente or too many to mention na lang ulit para safe.

TV Channel: Kung saan ang mga artista ay overrated at overpaid (i.e. Anne Curtis) ABS CBN

Motto: Try and try until you Succeed, Time is Gold, No Man is an Island (ang pinakagasgas na sagot, the better)

FIRSTS

Love: My parents and si God shempre (pa-sweet?!?)

Kiss: My parents! (naknampoodle ang korni!) or my feeding bottle (mas korni!)

Boyfriend: Itago na lang natin s’ya sa pangalang ‘boy ganado’

Crush: 7-8 (‘wag ka ng magbilang ‘di ikaw ‘yan mashado kang hoping)

Heartbreak: Nakow! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan! Alam na!

SOMETHING PERSONAL

Happiest Moment: When I was born. (taena! sure ka alam mo natatandaan mo ‘yun?)

Most Embarrassing Moment: Secret, kaya nga nakakahiya eh! 

Most Unforgettable Moment: Too many to mention eh

Please Mention One: Ay echoserong slam book, sumasagot talaga?

What is Love?:  Love is like a rosary, full of mysteries. (o-ha, bagong-bago hehe)

Have you been in love?: Ahm, reciprocated or not? (harhar)

PEOPLE

Closest to me: My parents, my sisters, cousins & friends

I admire the most: My parents and my teachers (just in case may teacher na babasa)

I hate: Not worth mentioning

I hate the Most: Uy! Namimilit, kaso ‘di ako napipilit!

Who hate me: Malamang ‘yung hate ko rin- the feeling is mutual palagay ko.

RIGHT NOW

I’m Wearing: A smile (korni nga ‘di ba?)

I’m Dreaming: Of a white Christmas (may masabi lang?)

I’m Eating: Tapos na, busog na nga eh!

I’m Feeling: Happy! 

I‘m Thinking: I don’t really.

DEDICATION

Thank you for giving me a change (karaniwang mistake, sa halip na chance) to write in your slam book.

JAPAN (Just Always Pray at Night). CEBU (Change Everything, But Us). BALIWAG (Beauty And Love I Will Always Give).

P.S.

Sana magka-klase ulit tayo next year.

Love, 

Det

Why do they call it a crush? Because that’s how you feel when they don’t feel the same way in return.

*****